Truck, nahulog sa ilog… 2 ang patay

July 05, 2015 - 06:19 PM

toledo
Kontribusyong larawan ni Justine B.

Dalawa ang patay nang mahulog sa ilog ang isang six-wheeler truck na may lulang kitchen wares sa sitio Tambis, Poog, Toledo City, Linggo ng umaga.

Dead-on-the-spot ang driver ng truck na nakilalang si Oscar Layson ng Mabolo, Cebu City at ang pahinanteng si Reymart Cañezal ng Guadalupe, Cebu City.

Ayon kay P03 Benjo Fat, imbestigador ng Don Andres Soriano (DAS) Police substation, ang truck ay pag-aari ng GFM Group of companies. Galing ito sa Cebu City at patungo ng Toledo City nang mawalan ng kontrol ang si Layson dahilan para mahulog sa ilog ang trak.

Sa pahayag ng mga residente sa lugar, nakita nilang pagewang-gewang ang andar ng trak. May nasagasaan pa itong isang babae na naglalakad sa highway bago mahulog sa ilog na tinatayang 15 feet ang lalim mula sa kalsada.

Ginagamot na ang nasabing babae na nakilalang si Amelita Lapadis dahil sa tinamo nitong galos sa katawan.

Ayon kay Fat, tumagal ng dalawang oras bago nila naialis sa truck ang labi ng mga biktima./ Inquirer Visayas, Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Radyo Inquirer, toledo city, truck, Radyo Inquirer, toledo city, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.