Senadora Grace Poe , ipinagtanggol ang anak sa bashers sa social media

By Ricky Brozas February 14, 2016 - 04:17 PM

 

Mula sa pinoytrendingnews.net/FB

Pumalag si Senadora Grace Poe laban sa mga batikos sa kanyang anak na si Bryan Poe-Llamanzares hinggil sa binili nitong mamahaling sapatos na nagkakahalaga ng halos isang milyung piso.

Iyan ay matapos kumalat sa social media ang instagram post ng batang Llamanzares suot ang 2011 limited edition ng sneakers na humigit-kumulang siyamnaraang libong piso ang presyo.

Ayon sa senadora, batid niya ang usap-usapan tungkol sa isyu pero nilinaw nito na may kapasidad ang kanyang anak para bumili ng mamahaling gamit lalot nakapag-ipon naman na ito mula sa kanyang kita sa trabaho.

Paliwanag ni Poe, nagtrabaho ang kanyang anak mula sa isang TV network bilang reporter, subalit nagpasyang huminto matapos bahiran ng pulitika ang kanyang trabaho.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.