Irma Adlawan at anak sugatan ng makipambuno sa magnanakaw

By Den Macaranas February 13, 2016 - 03:29 PM

Irma
Inquirer photo

Sugatan ang aktres na si Irma Adlawan ang kanyang 16-year old na anak na si Caloy makaraan silang makipambuno sa magnanakas na pumasok sa kanilang bahay sa Kawit Cavite.

Sa salaysay ni Caloy sa Kawit Police Station, pasado alas-onse ng gabi kagabi ng makita niyang may tao sa loob ng kanilang bahay na may takip ang mukha at armado ng balisong.

Imbes na lumabas ng bahay para humihingi ng tulong ay nagdesisyon si Caloy na sunggaban mula sa likuran ang nasabing suspect at saka siya humingi ng tulong sa kanyang ina.

Nagkaroon ng pagkakataon si Caloy na ma-headlock ang armadong suspect at sa mabilis na pagtulong ng kanyang nanay ay naagaw nila ang patalim ng suspect.

Sa nasabing agawan ng patalim ay nasugatan ang mag-ina kung saan ay nagkaroon din ng malaking bukol sa kanyang ulo si Irma.

Kaagad na tumawag ng mga pulis ang kanilang mga kapit-bahay at nahuli ang suspect na kinilalang si Ricardo Estorres.

Sa interogasyon ng mga Pulis ay sinabi ng suspect na nagsilbi lamang siyang lookout sa krimen.

Sinabi rin ng suspect na tangay ng kanyag mga kasamahan  na residente sa bayan ng Noveleta ang mga nakulimbat nilang gamit tulad ng isang laptop.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operations ang mga tauhan ng Cavite PNP para mahuli ang iba pang mga suspects na nanloob sa bahay ng mga biktima.

Kasalukuyan ngayon nagpapagamot sa isang ospital sa Cavite ang mag-inang Irma at Caloy Adlawan dahil sa mga tinamo nilang mga sugat dahil sa nasabing pangyayari.

TAGS: Irma Adlawan, Kawit Cavite, Robbery, Irma Adlawan, Kawit Cavite, Robbery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.