1 nawawala, 20 nailigtas sa banggaan ng barko at fishing boat sa Romblon

By Den Macaranas February 13, 2016 - 11:34 AM

2go
2Go Travel

Isa ang nawawala, tatlo ang malubha sa dalawampung crew ng isang fishing boat makaraang mabangga ng isang barko sa San Fernando Romblon.

Sinabi ni San Fernando Romblon Mayor Salem Tansengco na pasado alas-kwatro ng umaga kanina nang mabangga ng “2Go Travel” Ferry ang isang fishing boat sa karagatang bahagi ng kanilang bayan.

Nahati sa dalawa ang nasabing bangka kung saan ay nailigtas ng kanilang mga kapwa mangisngisda ang labing-siyam sa dalawampung tauhan ng nasabing fishing craft.

Tatlo sa mga nakaligtas ang nasa kritikal na kundisyon sa opistal dahil sa mga tinamong sugat sa kanilang mga katawan.

Tumanggi naman ang nasabing opisyal na pangalanan ang nawawalang crew ng fishing boat samantalang patuloy naman ang search operation ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa lugar.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard Headquarters na kaagad silang bubuo ng panel para imbestigahan ang nasabing pangyayari.

TAGS: 2Go, Fishoing boat, Romblon, San Fernando romblon, 2Go, Fishoing boat, Romblon, San Fernando romblon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.