PNoy hindi mangangampanya sa U.S ayon sa DFA

February 13, 2016 - 10:32 AM

Benigno-Aquino
Inquirer photo

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na hindi pangangampanya kundi official visit ang magiging biyahe ni Pangulong Noynoy Aquino sa U.S simula sa February 15 hanggang 17.

Sinabi ni DFA Usec. Maria Helen Dela Vega na dadalo ang pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa Rancho Mirage sa California kung saan ay makakapulong din niya si U.S President Barack Obama.

Matapos ang ASEAN meeting ay kaagad na pupunta ang Pangulo sa Los Angeles California para makipag-pulong sa mga business leaders doon para hikayatin silang maglagak pa ng mga dagdag na negosyo sa bansa.

Idinagdag pa ng DFA na may nakatakda ring pulong si Pangulong Aquino sa mga Filipino community sa Los Angeles.

Sinabi naman ni Communications Sen. Sonny Coloma Jr. na magiging madalas ang byahe ng pangulo sa mga lalawigan sa mga susunod na linggo para inspeksyunin ang kanyang mga infrastructure projecst bago matapos ang kanyang termino sa huling araw ng buwan ng Hunyo.

Nauna nang sinabi ni Senate President Franklin Drilon na tutulong din ang pangulo sa pangangampanya para sa mga kandidato ng Liberal Party sa eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.