WOW IT’S SHOWBIZ ni Fernan “Miss F” De Guzman

July 03, 2015 - 08:13 PM

FERNAN DE GUZMANNakausap ng Team Ms. F ng Wow It’s Showbiz si Multi media star na si Toni Gonzaga sa Packos Grill kahapon sa may Sgt. Esguerra Avenue. Isang patawag ‘yon sa mga piling press people na naging kaibigan ng mga Gonzaga bilang pasasalamat.

Kasabay din nagdiwang ang mga fans niya na present nung gabing ‘yon. Nandoon ang Tinsters, Tonilicious, Ultimate friends of Toni G, Gonzaga Knows, Toni Gonzaga Online at Tonilex.

Medyo late pa nga kami dahil nga galing pa kami ng aming radio show. “Hi Miss F,” salubong na bati niya sa amin. Napag-usapan din ang kanyang naging honeymoon kay Direk Paul Soriano. “Marami pa kaming magiging honeymoon. Basta marami pa, pero secret pa yung iba, ” kuwento niya.

Kamusta naman? ” Basta nakakapanibago, hindi kasi ako sanay na may katabing lalaki sa pagtulog. Pero ngayon meron na ang asawa ko. Nakakapanibago dahil nga wala ng Daddy, wala na akong Mommy na magde-desisyon. Ako na ang nagde-decide, kami na ni Paul,” sabi pa niya.

Matapang din niyang sinagot ang tanong kung si Direk Paul ba ang unang lalaki sa kanyang buhay? “Yes siya ang unang lalake at wala ng iba pa. Sa totoo lang!,” pag amin niya.

Sa araw-araw na magkasama sila sa isang bubong ay unti-unti na siyang nag-aaral na magluto. “Kanina lang, ipinagluto ko siya ng spaghetti,”

“Yun na.

-OOO-
Namatay na si Oscar Villamayor, nakatatandang kapatid ng superstar na si Nora Aunor, Huwebes alas 3:00 ng madaling araw. Ang kanyang labi ay nasa Loyola memorial chapel sa Commonwealth Avenue.

Ayon nga kay Marilyn Villamayor, ang kanyang Papa at si Ate Guy ang malapit sa lahat ng limang magkakapatid. “Ipinaalam na namin kay Auntie (Guy) pero hindi namin siya binigla. Kidney failure, at bumaba na ang blood sugar ni Papa. Organ failure kaya bumigay na siya.,”

Ipinagunita namin kay Marilyn kung ano ang hindi niya makalimutan na payo ng kanyang Papa sa kanya. “Palagi niyang sinasabi na magtiwala ako sa sarili ko. Kapag may ipinapagawa sa akin ay kayanin ko. Siya ang number one supporter ko. Nung malakas pa si Papa siya ang palaging guwardiya ni Auntie Nora. Ayaw niyang nasasaktan ang kapatid niya,” sabi pa ni Marilyn.

“Natutuwa nga siya nang malaman na nagbabalik ako, alam niya na nasa “Bridges of Love” ako,” saad pa niya.

Mula sa Radyo Inquirer kami ay taos pusong nakikiramay sa pamilya Villamayor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.