Anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Letizia, bibinyagan ngayong Pebrero

By Len Montaño February 10, 2016 - 07:46 PM

baby letizia
Photo from Marian Rivera’s FB page

Kinumpirma ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na ngayong buwan ng Pebrero ang binyag ng anak nila ni Marian Rivera na si Baby Letizia.

Ilan sa mga sinabi ni Dong na ninong at ninang ng kanyang anak ay sina Gabby Eigenmann at Ai Ai De las Alas.

Dapat ay sabay sa unang anibersaryo ng kasal nila ni Marian noong December 30, 2015 ang binyag ni Baby Zia lalo’t naniniwala ang aktor na dapat binyagan agad ang bata pagka-panganak pero hindi ito natuloy.

Dagdag ni Dingdong, maliit at very intimate ang magaganap na binyagan kasama ang kanilang pamilya at kalapit na mga kaibigan.

Kinumpirma rin ng aktor na malapit nang bumalik sa telebisyon ang kanyang misis.

Sa ngayon aniya ay inaayos nila ang sistema ng pag-aalaga sa bata oras na bumalik na sa trabaho si Marian.

TAGS: Baby Letizia, Baby Letizia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.