WATCH: Dating MMDA chairman Tolentino nagpaliwanag sa pamimigay ng Ang Pao sa Chinese New Year

By Den Macaranas February 08, 2016 - 05:54 PM


Video grab from Aie Balagtas See’s Twitter account

Dumepensa si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kaugnay sa viral video kung saan ay makikita siyang namimigay ng Ang Pao na naglalaman ng P20 sa Binondo, Maynila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Tolentino na kinalakihan na niyang tradisyon ang pamimigay ng Ang Pao tuwing Chinese New Year.

Paliwanag pa ng dating opisyal, “…ang nanay ko ay half-Chinese at ito ay kultura ng mga Chinese at wala akong nakikitang masama sa pamimigay ng Ang Pao na nangangahulugan ng “good luck”.

Sa eksenang kumalat sa mga social networking sites, kahapon ay namigay din ng Ang Pao sa Chinatown sa Binondo ang ilang mga lokal na opisyal sa Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Sinabi pa ni Tolentino na hindi na dapat bigyan pa ng ibang kahulugan ang pagbisita niya sa Binondo dahil ito naman daw ay matagal na niyang ginagawa bilang tradisyon ng kanyang buong pamilya.

 

TAGS: Ang Pao, Binondo, New Year, Ang Pao, Binondo, New Year

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.