2 Pinoy crew ng isang oil tanker kabilang sa mga binihag ng mga pirata sa Nigeria

By Den Macaranas February 08, 2016 - 04:03 PM

Leon-Dias-1264119
vesseltracker.com

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa mga opisyal ng Philippine Embassy sa Abuja, Nigeria kaugnay sa pagtangay ng mga pirata sa limang crew ng isang oil tanker na kinabibilangan ng dalawang Pinoy sa Nigeria.

Nauna nang iniulat ng Associated Press ang pagtangay ng mga pirata sa mga crew ng MT Leon Dias na isang Greek-registered Marine Tanker sa Nigeria.

Bukod sa Kapitan at 3rd engineer ng nasabing barko na pawang mga Filipino, tinangay din ng mga pirata ang Russian Chief engineer, Electrician at Fitter na Amerikano ng MT Leon Dias.

Sa paunang impormasyon na nakarating sa DFA, sinasabing mga pirata mula sa Biafra na isang maliit na teritoryo sa Southern Nigeria ng nasa likod ng pag-atake sa nasabing barko sa karagatang sakop ng nasabing bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng pamahalaan sa employer ng mga dinukot na Pinoy seafarers.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa batid kung magkanong halaga ang hinihingi ng mga pirata kapalit ng kalayaan ng kanilang mga bihag.

Base sa record ng Philippine Overseas Workers Welfare Administration (POEA), 20 percent ng halos ay 1.2Million Pinoy seafares ang humahawak ng mga sensitibong posisyon sa ilang mga international shipping companies na kinabibilangan ng mga luxury liners, oil tankers at passenger vessels.

TAGS: DFA, Leon Dias, Nigeria, POEA, DFA, Leon Dias, Nigeria, POEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.