Panganay nina Dingdong at Marian, malapit na ang binyag

February 07, 2016 - 01:42 PM

Maria Letizia
Maria Letizia

Abala ngayon ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa binyag ng kanilang first baby na si Maria Letizia.

Sa facebook page ni Dantes, ibinahagi nito na ang mga tao sa likod sa kasal nila ni Rivera noong December 2014 ang mangunguna para sa pagsasaayos sa baptism ni Letizia.

Kabilang aniya rito ang kilalang events coordinator at ninang din ni Letizia na si Teena Barreto, at events stylist na si Gideon Hermosa.

Photo grab mula sa FB page ni Dingdong Dantes
Photo grab mula sa FB page ni Dingdong Dantes

Sa panayam naman sa isang TV program kay Dantes, sinabi nito na kinukumpleto na nila ng kanyang misis ang listahan ang mga magiging ninong at ninang ni Letizia.

Ani Dantes, nais na ang mga magsisilbing godparents ng kanilang baby girl ay gagabay talaga sa kanyang paglaki at lalo na sa kanyang Christian faith.

November 23, 2015, isinilang ni Rivera si Maria Letizia.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.