P2M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo February 04, 2016 - 11:55 AM

File Photo / Erwin Aguilon
File Photo / Erwin Aguilon

Sinalakay ng mga tauhan ng mga otoridad ang isang bahay sa San Fernando, Cebu na hinihinalang ginagamit na drug den Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Chief Insp. Richard Gadingan ng San Fernando Police, isinagawa ang buy-bust operation sa Barangay Bugho.

Arestado sa nasabing operasyon ang may-ari ng bahay na si Castro Barrameda at anim na iba pang lalaki na naaktuhan ng mga pulis habang nagsasagaw ang pot session.

Aabot naman sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad kasama ang dalawang .38 revolvers, isang .22 revolver, isang granada at isang KG-9 machine gun.

Ayon kay Gadingan, isinagawa ang operasyon matapos silang makatanggap ng tip mula sa ilang residente na ginagamit na drug den ang bahay ni Barrameda.

Nakikipag-ugnayan na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang San Fernando Police para mai-turnover ang mga nasabat na shabu.

TAGS: police seized 2 million peso worth of shabu in San Fernando Cebu, police seized 2 million peso worth of shabu in San Fernando Cebu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.