WACKYLEAKS ni Den Macaranas

July 03, 2015 - 10:33 AM

den macaranasPara matiyak na muli siyang makababalik sa senado sa susunod na halalan ay kumukunsulta na sa mga Feng Shui experts pati na rin sa mga manghuhula ang isang dating mambabatas bilang bahagi ng preparasyon nya sa 2016.

Ayon sa ating mistisong Cricket, hindi isa, hindi dalawa kundi tatlong mga eksperto sa pampa-suwerte ang kinontrata ng dating senador para makaseguro na pasok sya sa mga listahan ng mananalo sa susunod na eleksyon.

Bukod sa kukay ng mga damit, sari-saring mga lucky charms na rin ang binili ng pulitikong ito para daw maka-attract ng swerte.

Ipinabago na rin ng ating subject ang kulay ng bubungan ng kanyang malaking bahay para daw mas maging maganda ang pasok ng positive vibes sa kanilang pamilya.

Umiiwas na rin muna sa pagpunta sa mga ospital at sementeryo ang ating bida para hindi raw sya kapitan ng mga black spirits.

Noon pa man ay kilala na sa kanyang pagiging mapamahiin ang pulitikong ito.

Patunay dyan ay pinalitan pa nya ang pintuan ng kanyang dating opisina sa senado para maka-iwas daw sa malas.

Pati sa pagkuha ng mga staff ay nangingibabaw pa rin ang payo ng kanyang mga manghuhulang advisers.

Hindi nya binabasa ang resume’ ng kanyang mga aplikante kundi ang aura ng mukha sa pictures ng mga ito.

Kinda weird pero ganito talaga ang batayan ng dating mambabatas na ito sa pagpili ng kanyang makakasama sa kanyang team.

Hindi naman problema ang pera sa pagtakbo nya sa eleksyon dahil halos nakuha na raw nya ang bahagi ng kanyang mana mula sa kanilang mayamang angkan.

Ang dating mambabatas na kumuha ng serbisyo ng mga mahusay mag-attract ng swerte na gagamitin nya sa 2016 elections ay si dating Senator M.J….as in Medyo Jolly

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.