San Miguel Beermen, kampeon sa PBA 2016 Philippine Cup

By Kathleen Betina Aenlle February 04, 2016 - 12:19 AM

 

Mula sa inquirer.net/Tristan Tamayo

Tumatak sa kasaysayan sa larangan ng basketball ang pagkakasungkit ng San Miguel Beermen ng kampeonato sa PBA 2016 Philippine Cup Finals na ginanap Miyerkules ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Natapos ang nakasasabik at dikit na laban sa pagitan ng Beermen at Alaska Aces sa iskor na 96-89, pabor sa San Miguel.

Naging makasaysayan ang nasabing panalo ng SMB dahil sila ang kauna-unahang koponan na naka-rekober mula sa 0-3 na iskor, at sa huli ay umuwi pang kampeon ng liga.

Ang Alaska Aces ang nanalo sa unang tatlong laro ng Do or Die Game 7, ngunit nakabawi ang Beermen at sunud-sunod na naipanalo ang apat na games na nagbigay daan sa kanila para maiuwi ang tropeyo.

Itinanghal namang Most Valuable Player ng PBA Philippine Cup si Chris Ross.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.