Lt. Col. Marcelino humirit sa hukuman na makapag-piyansa

By Den Macaranas February 01, 2016 - 07:44 PM SHARE(S):

Marcelino3Nagsumite na sa hukuman ng kanilang bail petition sina Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at Yi Shou Yan na kapwa inaresto sa naganap na illegal-drug raid sa Maynila noong Janruary 21.

Kanina ay dinala sa Quezon City Regional Trial Court Branch 82 ang dalawa bilang bahagi ng preliminary investigation sa kanilang kasong paglabag sa section 8 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002 makaraan silang makuhanan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng halos ay P300Million.

Tumanggi nang magbigay ng pahayag si Marcelino at ang kanyang abogado na si Atty. Sigfrid Fortun kung saan ay binigyan ng hukuman ang prosecution team ng limang araw para magkomento sa inihaing bail petition.

Sinabi naman ni Assistant City Prosecutor Ramoncito Ocampo na malamang ay mapagbigyan ang hirit ng kampo ni Marcelino dahil hindi pa naman sila naisasalang sa arraignment.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na hindi pa aplikable kina Marcelino ang Revised Rules of Criminal Procedure.

Sa kasalukuyan ay nakakulong sina Marcelino sa detention facility ng Metro Manila City Jail sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

 

TAGS: DOJ, drugs, Marcelino, PDEA, DOJ, drugs, Marcelino, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.