Sen. Trillanes handang makulong ayon sa kanyang abogado

By Jong Manlapaz February 01, 2016 - 05:19 PM

Trillanes1
Inquirer file photo

Nakahandang magpa-aresto si Sen. Antonio Trillanes pagbalik nito sa bansa.

Ito ay makaraang magpa-labas ng arrest warrant ang Makati Regional Trial Court hingil sa libel suit ni dismissed Mayor Junjun Binay kaugnay sa diumano’y panunuhol niya sa mga justice ng 6th Division ng Court of Appels kaya hindi naipatupad ang unang suspension order na isinampa sa kanya ng Ombudsman.

Ayon sa legal counsel ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles, hindi pa nila natatanggap ang official copy ng resolusyon ng acting City Prosecutor.

Naniniwala pa si Robles na nakahandang harapin ni Trillanes ang kaso sa korte at kusa umanong susuko si Trillanes pagbalik nito sa bansa mula sa dinaluhang international forum.

Idinagdag pa ng abogado ni Trillanes na hindi naging patas sa senador ang paglalabas ng arrest warrant dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon na makapag-sumite ng motion for reconsideration sa kaso.

Tiwala naman si Robles na malulusutan ng kanyang kliyente ang kaso at bahagi lamang ito ng pulitika.

 

TAGS: binay, Libel, Makati RTC, senate, trillanes, binay, Libel, Makati RTC, senate, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.