Transport group sa Pangasinan kusang nagbawas ng 50 centavo sa pasahe
Kusa ng nagtapyas ng 50 centavo sa pamasahe ang isa sa pinakamalaking Transport groups sa probinsya ng Pangasinan na magsisimula bukas, February 1.
Ginawa ng Alliance of United Transport Organization Province Wide (AUTOPRO) ang kanilang commitment alinsunod na rin sa mga local petitions na ibaba ang pamasahe na nakahain pa rin sa Land Transportation Regulatory and Franchising Board.
Sa ngayon ang minimum na pamasahe sa probinsya sa Jeepney ay 8 pesos kada apat na kilometro at karagdagang 1.50 centavo sa susunod na kilometro, na una ng ipinatupad noong pang 2008 ng pumalo sa 42 pesos ang presyo ng diesel.
Ayon kay Benny Fabia Aquino, Autopro president, nagkusa at pansamantala na silang nagbaba ng pamasahe alinsunod na rin sa mababang presyo ng diesel.
Noong Biyernes, pumapalo lamang sa 17.10 kada litro ang presyo ng diesel sa probinsya.
Sinabi pa ni Aquino, naghain na rin sila ng petisyon sa LTFRB na kusa na silang magpapatupad ng fare rollback, aprubahan man ito o hindi ay ipapatupad nila ang bawas pamasahe sa probinsya.
“We have filed a petition in the LTFRB for the voluntary fare rollback. But even if the LTFRB will not approve it, we will implement the reduced fare,” ani Aquino
Matatandaang una nang nagpatupad ng 50 centavo na bawas pamasahe ang LTFRB nitong January 22 sa Metro Manila, alinsunod na rin sa petisyon ng iba’t ibang transport group na ibaba ang kanilang pamasahe sa 7 pesos sa kada unang apat na kilometro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.