Suffocation ang ikinamatay ng 2 batang nakulong sa kotse sa Antipolo City

By Ricky Brozas January 27, 2016 - 09:50 AM

police-line-0815Kumpirmadong suffocation ang dahilan ng pagkasawi ng dalawang bata na kapwa apat na taong gulang na natagpuang wala nang buhay sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Antipolo City noong Martes.

Ito ang lumitaw sa autopsy report ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Antipolo City Police.

Posible umanong na-lock ang Mitsubishi G4 kung saan naglalaro ang mga batang sina Ren at Aljo at hindi nila nagawang makalabas.

Ang mga pasa at bukol na nakita umano sa dalawang bata ay maaring tinamo nila dahil sa pagpupumilit na mabuksan ang pintuan ng sasakyan.

Palaisipan naman sa mga otoridad kung bakit wala agad nakapansin sa mga bata habang nasa loob ng sasakyan na nakaparada sa loob ng Cavalier Subdivision sa Barangay Sta. Cruz sa Antipolo.

Linggo pa ng hapon huling nakita na naglalaro ang dalawang bata at Martes nga ng madaling araw nang makita silang kapwa wala nang buhay sa loob ng sasakyan.

TAGS: 2 boys died in suffocation after playing inside a parked car, 2 boys died in suffocation after playing inside a parked car

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.