Hanggang P44 na rollback sa LPG, asahan sa susunod na buwan

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2016 - 07:33 AM

LPGMagpapatupad ng P3 hanggang P4 rollback sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis sa susunod na buwan.

Sa abiso ng mga oil companies, tinatayang aabot sa P33 hanggang P44 ang mababawas sa halaga ng kada 11-kilogram na LPG cylinders.

Ang mga kumpanya ng langis ay ilang sunod na linggo na ring nagpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng langis sa world market.

Katunayan sa ngayon naglalaro na lamang sa P18 hanggang mahigit P19 ang halaga ng kada litro ng diesel.

TAGS: LPG price rollback, LPG price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.