2 menor de edad na sakay ng motorsiklo, kritikal sa aksidente sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 27, 2016 - 06:38 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nasa kritikal na kundisyon ang dalawang menor de edad na lalaki matapos salpukin ng 18-wheeler truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng Philcoa sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Agad isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Joel Palangcan at ang hindi pa nakilalang angkas nito.

Walang malay nang isugod sa nasabing pagamutan si Palangcan na nagtamo ng matinding pinsala sa mukha.

Sa imbestigasyon ng traffic sector 5 ng Quezon City Police District (QCPD), nag-overtake umano ang motorsiklo sa truck kaya ito nabangga.

Naganap ang insidente malapit lamang sa Philcoa sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue alas 4:00 ng madaling araw kanina (Miyerkules).

Ayon sa driver ng truck na nakilalang si Edwin Ocampo, bigla na lang sumulpot ang motorsiklo na noong panahon na iyon ay wala sa motorcycle lane.

TAGS: 2 minors injured in an accident in QC, 2 minors injured in an accident in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.