Japanese Emperor Akhito at Empress Michiko dumating na sa bansa

By Den Macaranas January 26, 2016 - 03:58 PM

Akihito1
Inquirer photo

Dumating na sa bansa sina Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko.

Bago mag-alas-tres ngayong hapon ay lumapag sa Villamor Airbase ang Flight JF001 ng Japanese Air Force sakay ang Royal couple na sinalubong ni Pangulong Noynoy Aquino at ilang miyembro ng gabinete.

Mula sa airport, didiretso ang grupo ng Japanese Emperor sa Sofitel Hotel kung saan ay makakapulong nila ang mga opisyal at volunteers ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Bukas ng umaga ay nakatakdang magtungo sa Malacañang sina Emperor Akihito para sa isang courtesy call na bahagi ng kanyang 5-day State visit sa Pilipinas.

Muling babalik sa Malacañang ang Japanese Royal couple kinagabihan para sa isang State Dinner sa pangunguna ni Pangulong Noynoy Aquino.

 

TAGS: emperor akihito, Japan, Philippines Aquino, state visit, emperor akihito, Japan, Philippines Aquino, state visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.