Pulis na umaresto kay Menorca, pinagpapaliwanag ng korte

By Ricky Brozas January 26, 2016 - 02:28 PM

Menorca1
Inquirer file photo

Pinagpa-paliwanag ng Court of Appeals 7th Division ang police officer na lumutang sa korte nuong nakalipas na linggo sa araw ng pagdinig ng writ of amparo petition na inihain laban sa ilang mga opisyal ng Iglesia ni Cristo.

Ito ay si Supt. Thomas Valmonte na ayon kay Court of Appeals Justice Magdangal De Leon ay lumikha ng maling impresyon na siya ay mula sa Station 5 ng Manila Police District.

Ang MPD Station 5 ang may hawak nuon kay Menorca nang siya ay maaresto sa Maynila nuong nakaraang linggo sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng hukuman sa Marawi at Lanao del Norte dahil sa dalawang kaso ng libelo.

Pero sa ginawang pagkumpirma ng korte, nabatid na wala palang opisyal na Valmonte sa Station 5 ng MPD at sa halip, ito ay pala ay galing sa legal services division ng Kampo Crame.

Ayon kay Justice De Leon, magpapalabas sila ng show cause order laban kay Valmonte para ito ay pagpaliwanagin kung bakit hindi siya dapat na patawan ng contempt dahil sa maling impresyon na nilikha nito sa korte.

Pitumpu’t dalawang oras lamang ang ibinigay ng hukuman kay Valmonte para magsumite ng paliwanag.

Sa gitna ng pagdinig ay inilahad naman ni Atty. Trixie Angeles, abogado ng mga Menorca, na si Valmonte ang dahilan kaya napigil ang nakatakda sanang pagharap ni Lowell Menorca sa pagdinig nuong January 20.

Pumayag na raw kasi ang kinatawan ng MPD Station 5 at 10 na paharapin si Menorca sa Court of Appeals kahit pa naaresto na, pero pinigil ito ni Valmonte at sinabing dadalhin lamang nila si Menorca sa hukuman kapag mayruon nang pormal kautusan mula sa korte.

 

TAGS: court of appeals, INC, Menorca, MPD, court of appeals, INC, Menorca, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.