36 na flights kanselado ngayong araw dahil sa pagdating ng royal couple ng Japan

By Dona Dominguez-Cargullo January 26, 2016 - 06:56 AM

cebu-pacificNasa 36 na mga flights ang apektado dahil sa pagdating sa bansa ng mag-asawang sina Emperor Akihito at Empress Michiko ng Japan.

Base sa notice to airmen (NOTAM) na inisyu ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), magpapatupad ng temporary runway closure sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para bigyang-daan ang pagdating sa bansa ng royal couple.

Kabilang sa mga apektado ang mga flights ng Cebu Pacific at ng CebGo na dating Tiger Airways.

Narito ang mga flights ng Cebu Pacific at Cebgo na kanselado:

Enero 26, 2015 (Martes)

5J487/488 Manila – Bacolod – Manila
5J391/392 Manila – Cagayan de Oro – Manila
5J389/390 Manila – Cagayan de Oro – Manila
5J989/990 Manila – General Santos – Manila
5J449/450 Manila – Iloilo – Manila
5J455/456 Manila – Iloilo – Manila
5J327/328 Manila – Legazpi – Manila
5J647/648 Manila – Puerto Princesa – Manila
5J645/646 Manila – Puerto Princesa – Manila
5J375/376 Manila – Roxas – Manila
5J813/814 Manila – Singapore – Manila
5J659/660 Manila – Tacloban – Manila
5J506/507 Manila – Tuguegarao – Manila
5J857/858 Manila – Zamboanga – Manila
DG 6233/6234 Manila – Caticlan – Manila
DG 6241/6242 Manila – Caticlan – Manila
DG 6243/6244 Manila – Caticlan – Manila
DG 6117/6118 Manila – Naga – Manila

Sa Sabado, muling magpapatupad ng kanselasyon ng mga flights para sa departure o pag-alis sa bansa nina Emperor Akihito at Empress Michiko.

Narito naman ang listahan ng mga makakanselang flights sa Sabado, Enero 30, 2016:

5J487/488 Manila – Bacolod – Manila
5J785/786 Manila – Butuan – Manila
5J383/384 Manila – Cagayan de Oro – Manila
5J391/392 Manila – Cagayan de Oro – Manila
5J567/568 Manila – Cebu – Manila
5J963/964 Manila – Davao – Manila
5J975/966 Manila – Davao – Manila
5J993/994 Manila – General Santos – Manila
5J449/450 Manila – Iloilo – Manila
5J329/330 Manila – Legazpi – Manila
5J771/772 Manila – Pagadian – Manila
5J637/638 Manila – Puerto Princesa – Manila
5J659/660 Manila – Tacloban – Manila
5J504/505 Manila – Tuguegarao – Manila
5J857/858 Manila – Zamboanga – Manila
DG 6233/6234 Manila – Caticlan – Manila
DG 6235/6236 Manila – Caticlan – Manila
DG 6241/6242 Manila – Caticlan – Manila

Sa abiso ng dalawang kumpanya, inaasikaso na nila ang re-accommodation ng mga apektadong pasahero para sa mga susunod na flights.

Para sa mga hindi makakahabol sa mga flights puwede nilang i-rebook ang kanilang flights sa loob ng 30 araw mula sa original departure date o di kaya ay puwede ring ipa-refund na lang ang kanilang pamasahe.

TAGS: Emperor Akihito and Empress Michiko, Emperor Akihito and Empress Michiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.