Mga kaanak ng SAF-44 may mga bagong hiling sa gobyerno

By Ruel Perez January 25, 2016 - 08:33 PM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may mga bagong hiling kay Pangulong Noynoy Aquino ang ilan sa mga kaanak na present at dumalo sa ginawang awarding ng medalya sa namayapang SAF-44 kaninang umaga.

Sa isinagawang press briefing sinabi ni PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor na inisa-isa ng pangulo na muling kausapin ang mga kaanak ng mga biktima sa Camp Crame.

Bagaman at naibigay na umano ang lahat ng mga kinakailangang financial assistance sa mga kaanak ng SAF-44, mayroon umanong mga bagong request ang mga kaanak na kinakailangan muling pag-aralan at ikonsidera.

Inihalimbawa ni Mayor ang pagpapalipat ng isang pamilya mula sa Norte patungo sa Metro Manila ng hindi na pinangalanan na kaanak ng SAF kung kaya paliwanag ni Mayor dadaan ito sa panibagong proseso.

Malugod naman umanong tinanggap ni PNoy ang mga bagong request at binibigyan ng isang linggo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para bigyan ang pangulo ng feedback para sa nabanggit na mga bagong requests.

Nauna dito ay sinabi ng PNP na umaabot na sa P22Million ang tulong pinansyal na naibigan sa mga naulila ng SAF-44.

 

TAGS: Aquino, mamasapano, PNP, SAF, Aquino, mamasapano, PNP, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.