5 suspected carnappers patay sa Nueva Ecija

By Den Macaranas January 25, 2016 - 02:55 PM

PNP Checkpint
PNP photo

Patay ang limang pinaniniwalaang carnapper makaraan silang makipag-barilan sa mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Muñoz Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-tres ng madaling-araw kanina nang dumaan sa PNP-Comelec checkpoint ang tricycle at isang motorsiklo na sinasakyan ng mga suspek.

Imbes na tumgil sa checkpoint ay kaagad nilang pinaharurot ang kani-kanilang mga sasakyan at nang sila’y habulin ng mga pulis ay kaagad nilang pinaputukan ang mga ito na nauwi sa barilan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing tinangay ng hindi pa rin nakikilalang mga suspect ang isang tricycle na pag-aari ni Macario dela Cruz sa bayan ng Talavera.

Ang nasabing tricycle din ang gamit ng mga suspects nang sila’y matiyempuhan ng mga pulis sa naturang checkpoint sa bayan ng Muñoz.

Narekober sa mga suspek ang limang Cal. 38 na paltik.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng mga otoridad kung ang mga napatay na mga kalalakihan ang responsible sa mga serye ng nakawan ng motorsiklo at carnapping sa ilang mga bayan sa Nueva Ecija.

 

TAGS: Carnapper, comelec, Muñoz, nueva ecija, PNP, Carnapper, comelec, Muñoz, nueva ecija, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.