48 anyos na Pinay, wagi sa Mrs. Grandma Universal pageant

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2016 - 08:33 AM

From Babylyn Newfield's FB page
From Babylyn Newfield’s FB page

Naiuwi ng 48-anyos na si Babylyn Decena-Newfield ang korona sa Mrs. Grandma Universal 2016 pageant na ginanap noong nakaraang linggo sa Sofia, Bulgaria.

Sa kaniyang pag-uwi sa bansa kahapon, sinabi ni Newfield na masaya siya na naging kinatawan siya ng bansa para sa nasabing pageant na nilalahukan ng 50 kandidata sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Newfield ang unang pinay na lumaban sa nasabing international beauty contest para sa mga lola. “It is an honor. It is a privilege that, at this age, I can still win a title,” sinabi ni Newfield.

Maliban sa pagkapanalo sa nasabing titulo, si Newfield din ang nagwagi ng best national costume award.

Si Newfield ay chief executive officer at presidente ng Cartridge World-Philippines, at napili siya ni international pageant director Ovette Ricalde para maging kinatawan ng Pilipinas.

Sa pageant, ipinakita ni Newfield ang kaniyang kaalaman sa “muay Thai,’’ na isang combat sport sa Thailand kaya naging kakaiba ang kaniyang talent kumpara sa ibang lola na umawit, sumayaw at tumula.

Ginagawa ang Grandma Universal pageant taun-taon sa Bulgaria, bilang bahagi ng paggunita nila sa Grandma’s Day tuwing Jan. 21.

Unang idinaos ang international competition noong taong 2012, at maaring sumali ang mga lola na mayroong qualities bilang ideal grandmother gaya ng pagiging nurturing, beautiful, elegant at confident.

TAGS: babylyn decena-newfield, Mrs. Grandma Universal Pageant, babylyn decena-newfield, Mrs. Grandma Universal Pageant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.