Dipolog City, at Davao Occidental, niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo January 25, 2016 - 07:32 AM

Jan 25 Dipolog CityNiyanig ng Magnitude 3.4 na lindol ang Dipolog City sa Zamboanga Del Norte ngayong umaga.

Naitala ang pagyanig alas 5:19 ngayong umaga (Lunes, January 25) sa bahagi ng 2 kilometers South ng Dipolog City.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim lamang na 19 kilometers at wala namang inaasahang pinsala at aftershock.

Dahil sa mababaw lamang ang lindol, naitala ng Phivolcs ang Intensity 2 sa Dipolog City.

Samantala, bago ang nasabing pagyanig sa Dipolog, naitala din ang magnitude 3.2 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim ang lindol na 46 kilometers at ang epicenter ay naitala sa 133 km South ng Jose Abad Santos.

Wala ring inaasahang pinsala at aftershock dahil sa nasabing pagyanig.

TAGS: quake in Dipolog City and Davao Occidental, quake in Dipolog City and Davao Occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.