30 bahay naabo sa Cebu City

January 25, 2016 - 04:08 AM

 

fire-defaultNasa 30 bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Cebu City Linggo ng hapon.

Ayon sa Cebu City fire, nagsimula ang sunog dakong alas 5:02 ng hapon sa sitio Mecabaha, Duljo Fatima, Cebu City.

Nagsimula umano ang apoy sa third floor ng tatlong-palapag na bahay ng isang nagngangalang Cristobal Semontiza at mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan.

Hinala ng pamilya. Semontiza, electrical fault ang pinagmulan ng sunog dahil una nilang napansin ang usok at apoy sa kisame.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P400,000 ang napinsala ng sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.