Konsehal sa Malabon City patay sa ambush

By Erwin Aguilon January 23, 2016 - 07:04 PM

Mañalac
FB photo

Dead on arrival sa MCU Hospital ang isang city councilor makaraang tambangan ng mga hindi nakilalang suspek sa Aktibidad St., Barangay Tenejeros, Malabon City.

Kinilala ni Malabon City Police Chief, S/Supt. Severino Abad ang biktima na si Merlin “Tiger” Manalac, 2nd City Councilor ng Malabon City na nagtamo ng tama ng bala sa ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad na palabas ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang dalawang suspek ba magka angkas sa motorsiklo saka ito pinagbabaril.

Sinabi ni Abad na nire-review na nila ang kuha ng CCTV sa lugar upang makilala ang mga suspek na kaagad tumakas matapos ang pamamaril.

Inaalam na rin ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang motibo sa krimen. Ang biktima ay anak rin ng dating Pulis at Malabon City Councilor na si Boyong Mañalac.

Kanina ay inako ng hit squad ng New People’s Army ang pamamaslang kay Mañalac.

Kaagad namang sinabi ni Malabon City Mayor Antolin Oreta III na magbibigay sila ng P200,000 sa kung sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga kinaroroonan ng mga suspect sa pagpaslang sa nasabing local official.

 

TAGS: ambush, Malabon, NPA, Tiger Mañalac, ambush, Malabon, NPA, Tiger Mañalac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.