Miss Universe Pia Wurtzbach dumating na

By Den Macaranas January 23, 2016 - 07:58 AM

Pia5
Inquirer photo

Dumating na sa bansa si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na masayang sinalubong ng kanyang mga kaanak at mga taga-suporta.

Alas-sais ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang kanyang sinasakyang Philippine Airlines Flight PR 538.

Kaagad siyang nagbigay ng maiksing pahayag kung saan ay kanyang sinabi na masaya at excited siya na muling makita ang mga kababayan dala ang korona ng Miss Universe.

“Napakasaya ko po na nakauwi na ulit ako dito sa Pilipinas. Grabe para akong lalaban ulit…“I don’t want to reveal too much because I’m saving all my stories and experiences for the press conference tomorrow so I hope you can attend”, bahagi ng pahayag ni Wurtzbach.

Kaagad na dumiretso sa Novotel Hotel sa Araneta Center si Pia kung saan ay makakasama niya ang kanyang buong pamilya.

Walang schedule ngayong maghapon ang bagong Miss Universe samantalang bukas ng tanghali naman gaganapin ang kanyang parade.

Pinayuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA ang publiko na asahan na ang masikip na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na daan dahil sa gaganaping parada bukas na magsisimula sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Iikot ang entourage ni Pia sa V.Sotto at Jalandoni sa CCP Complex at saka lalabas sa Bukaneg st., kaliwa ng Roxas Boulevard, Padre Burgos. N Lopez, A. Villegas at kakanan sa Taft Ave. patawid sa Quirino Ave.

Didiretso ang parada sa Buendia at Ayala Avenue hanggang sa may Fire Station at matatapos sa bahagi ng Rustan’s Makati.

Mananatili sa bansa si Pia hanggang sa January 31 kung saan ay dadalo rin siya sa kasal nina Vic Sotto at ng kanyang kaibigan na si Pauleen Luna.

 

TAGS: miss universe, NAIA, Pia Wurtzbach, miss universe, NAIA, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.