Mike Tyson, may payo na ibinigay para kay Ronda Rousey

By Kathleen Betina Aenlle January 23, 2016 - 02:59 AM

ronda rouseyHinikayat ni boxing icon Mike Tyson si UFC star Ronda Rousey na huwag ikahiya ang kaniyang pagka-talo sa laban.

Sa kaniyang guesting sa talk show na “Conan”, pinayuhan ni Tyson si Rousey na huwag nang magtago at muling ilabas ang kaniyang sarili sa publiko.

Mababatid na matagal-tagal ring walang balita kay Rousey matapos siyang pabagsakin ng kaniyang huling nakalaban na si Holly Holm na nakasungkit ng kaniyang bantamweight title.

Ang pagkatalo niya rin sa UFC 193 ay nagdulot ng bahid sa kaniyang napakagandang record.

Ayon kay Tyson, naiintindihan niya ang nararamdaman ni Rousey base sa kaniyang personal na karanasan, pero sinabi niyang dahil sila ay nasa “hurt business”, dapat maintindihan ni Rousey ang ganitong pagkatalo.

Inihalintulad pa ni Tyson sina Rousey at Holm kina David at Goliath, at sinabing nagkataon lang na si Rousey ay naging si Goliath na natalo ni David at naging sikat dahil doon.

Aniya kay Rousey, tao lang siyang nasasaktan at tanggapin na niya dapat ang nangyari.

Samantala, nakatakdang mag-host ng “Saturday Night Live” si Rousey sa January 23 at mayroon rin siyang pelikulang gagawin.

Matatandaang humiling rin si Rousey ng mahaba-habang break sa UFC na nag-sanhi ng pagka-postpone ng kaniyang pagbabalik sa UFC 200 para kalabanin ang tumalo sa kaniya na si Holm sa July.

TAGS: mike tyson gives ronda rousey an advice, mike tyson gives ronda rousey an advice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.