Watch: Daan-daang bahay natupok sa Addition Hills, Mandaluyong City

By Dona Domiguez-Cargullo, Erwin Aguilon January 22, 2016 - 11:32 AM

Humigit kumulang 300 mga bahay ang tinupok ng apoy sa isa pang sunog na naganap sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.

Ang sunog sa Block 41 sa Barangay Addition Hills ang ikalawang sunog sa Mandaluyong City ngayong araw matapos unang tinupok ng apoy ang bahagi ng Pantaleon Street sa Barangay Barangka Itaas.

Nagsimula ang sunog alas 7:14 ng umaga na umabot sa Task Force Charlie alas 8:17 ng umaga dahil pawang gawa sa light materials ang mga apektadong bahay kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.

Sa pagtaya ng Mandaluyong City Fire Bureau, mahigit 400 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Isang lalaki naman ang nasugatan at nagtamo ng sugat sa ulo matapos mabagsakan ng salamin.

Nagsimula umano sa bahay ng isang James Alvarado sa Lot 9 ang sunog bunsod ng gaserang ipinatong sa durabox.

Agad na kumalat ang apoy at naapektuhan ang mga bahay sa Zone 4 at 5 sa nasabing barangay.

Alas 10:05 ng umaga nang idekalrang fire out na ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.