Watch: Mga baril, bala, shabu atbp., nakumpiska sa sinalakay na compound sa QC

By Ruel Perez January 22, 2016 - 08:36 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Limang bahay sa Barangay Culiat sa Quezon City ang sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – National Capital Region (NCR).

Ang Salam compound sa nasabing barangay ang maagang sinalakay ng mga pulis sa bisa ng search warrant mula sa korte.

Hindi bababa sa 20 mga lalaki at babae ang inaresto matapos mahulihan ng iba’t ibang ipinagbabawal na gamit.

Kabilang sa nasabat ang 9mm na baril, 2 magazine, mga video karera at mga ipinagbabawal na gamot.

Sa bahay ng isang Saudia Kamlians, may nakumpiskang 5 sachet ng shabu.

Habang sa isa pang bahagi ng compound ay may nakuhang 12 sachet ng shabu at mga gamit gaya ng aluminum foil.

Inumpisahan ng alas 5:30 ng umaga ang operasyon ng CIDG-NCR at patuloy ang ginagawang paghalughog sa mga bahay.

TAGS: anti-crime raid in Culiat QC, anti-crime raid in Culiat QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.