MVP, nagpasalamat sa FIBA sa pagpili sa Pilipinas bilang host ng Olympic qualifiers

By Kathleen Betina Aenlle January 21, 2016 - 12:33 AM

 

Inquirer file photo

Labis na ikinatuwa ng business tycoon at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Manny V. Pangilinan ang pagkakapili ng FIBA sa Pilipinas para maging isa sa tatlong bansang pagdarausan ng tatlong Olympic qualifiers.

Matatandaang noong Martes, inanunsyo ng FIBA na ang Italy, Serbia at Pilipinas ang magiging hosts ng 2016 Rio Olympics Qualifying Tournament.

Dahil dito, pinasalamatan ni MVP ang pamunuan ng Rio Olympics para sa isang pambihirang pagkakataon at karangalan na mapili ang Pilipinas na maging host sa isang stage ng qualifying tournament.

Sa kaniyang pahayag, nais rin niyang iparating kay FIBA President Horacio Muratore na gagawin ng SBP ang lahat para maging mala-olympics ang nasabing event.

Nagparating naman ng kaniyang ‘good luck’ si MVP sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na muling sasabak para makapasok sa Olympics.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.