Lalaki, patay matapos masagasaan ng tren sa Maynila

By Erwin Aguilon January 18, 2016 - 08:38 AM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang hindi nakilalang lalaki matapos masagasaan ng tren sa Beata St., Pandacan, Maynila.

Ayon kay PO1 James Dabay ng Beata Police Community Precinct (PCP) ng Station 10 ng Manila Police District (MPD) tinatayang nasa edad 50 hanggang 65 ang biktima.

Kulay puti na T-shirt aniya ang suot nito at asul na short pants.

Nabatid na kagabi pa nakaupo sa riles ng tren ang nasawi at nagagalit pa umano ito sa mga taong sumasaway sa kanya.

Sinabi ng mga nakasaksi na habang paparating ang tren kaninang umaga na galing Tutuban at patungong Alabang biglang pumasok sa riles ang biktima at saka umupo.

Nasa pangangalaga naman ng La Funeraria Rey sa Pandacan Manila ang nagkahiwa-hiwalay labi ng biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.