PNP nakatutok sa mga pulitikong posibleng pondohan ng mga drug lords sa halalan

By Ruel Perez January 13, 2016 - 04:25 PM

pnp
Inquirer file photo

Wala pang nakikita ang PNP Anti- Illegal Drugs Group (AIDG) na posibilidad na gumalaw ang mga big time drug lord para pondohan ang kandidatura ng ilang mga pulitiko.

Ayon kay AIDG Chief of Staff  SSupt. Leonardo Suan, maituturing na pawang mga Chinese nationals ang nasa kategoryang “big time drug dealer” kung saan karamihan sa kanila hindi namamalagi ng matagal sa ating bansa.

Maituturing rin umano na hit-and-run lamang ang kanilang operasyon at matagal na ang tatlong buwan kung sila’y nanatili dito sa Pilipinas.

Gayunman, inihayag ni Suan na mananatili silang nagbabantay sa galaw ng mga pinaniniwalaang nasa likod ng mga sindikato ng droga sa bansa.

Kahapon ay dalawang Chinese nationals ang nahuli sa isang drug operations sa Valenzuela City kung saan nakumpiska sa mga ito ang ilang kilo ng high-grade shabu na may street value na aabot sa P180Million.

 

TAGS: drug lord, narcopolitics, PNP, drug lord, narcopolitics, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.