Administrasyong Aquino uutang ng $400Million sa ADB

By Alvin Barcelona January 13, 2016 - 03:15 PM

Asian Development Bank
Inquirer file photo

Tiniyak ng Asian Development Bank na patuloy nitong itataguyod ang programang Conditional Cash Transfer o CCT program ng Pilipinas .

Sa talumpati ni Takehiko Nakao, Pangulo ng ADB, sinabi nito na isinasa-pinal na nila ang pagpapautang ng $400Million o katumbas ng halos ay P18Billion para sa nasabing programa .

Ayon kay Nakao, nasubaybayan aniya nila ang implementasyon ng CCT at nakita naman nila ang mga resulta nito .

Samantala, ayon kay Social Welfare Sec. Dinky Soliman, una nang nagpautang ang ADB ng $400Million noong taong 2010 at matatapos na itong bayaran ng pamahalaan sa buwan ng Marso habang $450Million naman ang ipinautang ng World Bank para sa kahalintulad na programa.

Paglilinaw ni Soliman, nagamit ang mga naturang pondo sa loob ng limang taon at napakinabangan ng halos ay 900,000 beneficiaries ng CCT program na binubuo ng mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Inihayag din ni Soliman na bukas ang pamahalaan sa anumang uri ng imbestigasyon kaugnay sa mga pinaglaanang proyekto ng nasabing mga pondo.

 

TAGS: ADB, Aquino, CCT, soliman, Worl Bank, ADB, Aquino, CCT, soliman, Worl Bank

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.