DQ nina Rizalito David at Atty. Ely Pamatong kinatigan ng SC

By Den Macaranas January 13, 2016 - 02:36 PM

David-Pamatong
Inquirer file photo

Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court ang kandidatura nina Rizalito David at Atty. Ely Pamatong.

Sa inilabas na desisyon ng mula sa en banc session, sinabi ng Mataas na Hukuman na walang nagawang pagkakamali ang Commission on Elections (Comelec) nang ideklara nilang mga nuisance candidates sina David at Pamatong.

Nauna nang sinabi ng Comelec na walang kakayahan sina David at Pamatong na makapaglunsad ng isang nationwide campaign.

Kamakailan lang ay inalis na rin ng Kapatiran Party sa kanilang grupo si David dahil sa akusasyon na nagpapa-gamit ito sa ilang mga pulitiko.

Si David ay tumatakbong senador na siya ring posisyon na kanyang hinangad noong 2013 subalit natalo samantalang pagka-pangulo naman ng bansa ang target ni Pamatong.

Ito na ang ikatlong beses na pagsubok ni Pamatong na tumakbo bilang pinuno ng bansa kung saan ay ibinasura rin ng Comelec ang kanyang mga naunang pagta-tangka noong 2004 at 2010.

Sa en banc session kanina ay ibinasura na rin ng Supreme Court ang mosyon ng iba pang mga nagsumite ng kanilang Certificate of Candidacies bilang mga senador.

Kinabibilangan ito nina dating Gov. Ephraim Defino, Buenafe Briggs, Antonio Obina at Luisito Montalvo Falcon.

TAGS: comelec, David, Pamatong, Supreme Court, comelec, David, Pamatong, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.