2 patay sa pamamaril sa Pasig City

By Ricky Brozas January 13, 2016 - 09:07 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Dalawa ang patay sa insidente ng pamamaril na nagagap sa Pasig City Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Samson Villasis, Barangay tanod sa Barangay Santo Tomas, Pasig City, nagana pang isnidente sa Santo Tomas Compound.

Kabilang sa nasawi ang isang lalaki na nasa pagitan ng edad na 45 hanggang 50 anyos at nakasuot ng maong na shorts at kulay brown na damit at sombrero.

Tatlong tama ng bala ng baril sa ulo ang tinamo ng biktima.

Sa ‘di kalayuan mula sa unang biktima ay nasawi rin rin ang isa pang lalaki na nasa 30, nakasuot ng itim na jacket at pulang shorts.

Siya ay napatay sa loob ng kulay dilaw na tricycle at nang siyasatin ng SOCO ay may dala itong granada at kalibre 38 baril.

Kinumander pa umano ng pangalawang biktima ang tricycle na minamaneho ni Roland Herrera Jr. na nadamay din at nasugatan sa pamamaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita ang si Herrera at kasalukuyang ginagamot sa Pasig General Hospital.

Ayon sa mga residente sa lugar, posibleng hindi taga doon ang mga napatay na lalaki dahil hindi pamilyar sa kanila ang itsura ng mga ito.

TAGS: 2 killed in a shooting incident in Pasig City, 2 killed in a shooting incident in Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.