Jeep nabangga ng tren, isa patay

By Kathleen Betina Aenlle January 13, 2016 - 12:10 AM

 

PNR-global2-bicol-05302011-(Update:) Tuluyan nang nasawi ang isa sa pitong sugatang pasahero ng jeep matapos mabangga ng isang tren ng Philippine National Railways ang isang pampasaherong jeep sa Paco station ng PNR, Martes ng gabi.

Sa kabila umano ng narinig na warning, dumiretso pa rin ang jeep sa pagtatangkang makahabol sa pagtawid sa crossing, ngunit inabot rin ito ng tren at nabangga.

Lumusot pa sa jeep ang barrier na dapat sana ay pipigil sa mga sasakyan na makadiretso sa tuwing may dadaan na tren.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital sa Maynila ang mga nasugatan, ngunit hindi na nagawang maisalba pa ng mga doktor ang buhay ng isang 50-anyos na biktima ng aksidente.

Damay din sa aksidente ang isang container van na nabangga rin ng jeep matapos araruhin ng tren.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.