TUCP founder Democrito Mendoza namatay na

By Den Macaranas January 12, 2016 - 09:14 PM

mendoza1
TUCP photo

Namatay na ang founder ng Trade Union Congress of the Philippines na si Democrito Mendoza.

Sinabi ni TUCP spokesman Alan Tanjusay na namatay si Mendoza kaninang 6:40pm sa Chong Hua Memorial Hospital sa Cebu City sa edad na 93.

Ayon kay Tanjusay, hinihintay pa nila ang detalye sa kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng nasabing labor leader.

Ang TUCP ang sinasabing pinaka-malaking labor group sa bansa na may 1.2Million members ay pinamunuan ni Mendoza sa loob ng 38 taon bago siya bumaba sa posisyon noong 2011.

Nagkaroon rin ng kontrobersiya sa grupo ng mag-agawan sila ni dating Sen. Ernesto Herrera sa pamumuno ng TUCP.

Si Herrera ay namatay noong nakalipas na taon.

TAGS: Labor, Mendoza, Tanjusay, TUCP, Labor, Mendoza, Tanjusay, TUCP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.