300 megawatt coal power plant sa Davao City, binuksan ni Pangulong Aquino

By Alvin Barcelona, Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2016 - 08:48 PM

Photo via Nikko Dizon
Photo via Nikko Dizon

Pinasinayaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang 300-megawatt Davao-based coal power plant na itinayo sa boundary ng Barangay Binugao, Toril, Davao City at Barangay Inayawan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Nagkataong dumaranas ng matinding kakapusan sa suplay ng kuryente ang Mindanao nang gawin ang pagpapasinaya.

Ngayong araw kasi, itinaas sa yellow alert ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang power situation sa Mindanao.

Sa ilalim ng yellow alert, nangangahulugang mababa sa minimum level ang reserved power na itinatakda ng regulator.

Ang bagong planta ay magsu-supply ng kuryente sa 20 electric cooperatives at distribution utilities sa buong rehiyon.

Ang nasabing planta ng kuryente ay nagkakahalaga ng P35 billion at nagsimulang maging operational ang unang unit nitong noong September 2015, habang magbubukas din sa Pebrero ang ikalawang unit ng planta.

Sa pagbubukas ng 300 megawatt base load power plant na itinayo at pinatatakbo ng Aboitiz Power Corporation ay inaasahang mareresolbra ang power crisis sa Mindanao.

Kasama ni Pangulong Aquino sa pagbubukas ng planta sina Energy Sec. Zenaida Monzada, Aboitiz Power Corp. CEO Erramon Aboitiz, Jon Ramon Aboitiz, Mayor Joel Ray Lopez at isang kinatawan ni Mayor Rodrigo Duterte.

Bagaman imbitado ay hindi nakadalo sa even si Duterte.

TAGS: Power plant in Davao, Power plant in Davao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.