Mga bagong isyu ilulutang sa re-investigation ng Senado sa Mamasapano incident

By Den Macaranas January 06, 2016 - 03:26 PM

JPE1
Inquirer file photo

Kinumpirma ng oposisyon sa Senado na may mga bago silang hawak na impormasyon kaugnay sa naganap na Mamasapano incident noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Sen. Tito Sotto na nakausap mismo ni Sen. Juan Ponce Enrile ang ilang mga tauhan ng Special Action Force habang siya’y naka-confined sa loob ng PNP General Hospital sa Camp Crame.

Ito umano ang dahilan kung kaya’t nagpumilit si Enrile na muling buksan ang imbestigasyon sa Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.

Sinabi pa ni Sotto na hindi pagsasayang ng panahon ang nasabing imbestigasyon dahil kinakailangang malaman kung sino ang mga dapat managot sa nasabing sablay na operasyon ng Philippine National Police na nagresulta sa kamatayan ng maraming katao kabilang na ang tinaguriang SAF-44.

Sa January 25, eksaktong isang taon makaraan ang nasabing bakbakan sa Mamasapano Maguindanao ay muling magsasagawa ng pagdinig ang komite na pinamumunuan ni Poe.

TAGS: Enrile, mamasapano, poe, SAF, senate, Sotto, Enrile, mamasapano, poe, SAF, senate, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.