Trust at approval ratings ni VP Binay, tumaas

By Len Montaño January 06, 2016 - 01:18 PM

CARPARK CONTROVERSY / AUGUST 27, 2014 Vice President Jejomar Binay speaks on a press conference at Coconut Palace, Pasay City on Wednesday regarding the alleged overpriced parking building in Makati City. INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NINO JESUS ORBETA

Tumaas ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay sa huling quarter ng 2015 batay sa resulta ng bagong Pulse Asia Survey.

Nagtala si Binay ng 9 percentage increase sa kanyang December approval rating na 52 percent kumpara sa 43 percent rating nito noong Setyembre.

Sampung prosyento naman ang itinaas ng over all trust rating ni Binay na ngayon ay 49 percent mula sa dating 39 percent.

Si Binay lang ang top national official na nakakuha ng mas mataas na approval ratings sa lahat ng geographic areas.

Pinakamataas ang naitala sa Visayas na 13 percent ang naging pagtaas; sunod sa Luzon, Mindanao at ang National Capital Region na puro 8 percent ang itinaas.

Samantala, nasa 55 percent ang approval rating ni Pangulong Aquino sa Pulse Survey na ginawa mula December 4 hanggang 11, 2015.

One percentage point itong mataas sa kanyang rating noong September.

Sinabi ng Pulse Asia na sa trust rating, tanging ang pangulo ang nakuha ang tiwala ng karamihan ng mga Pilipino na nasa 53 percent o apat na puntos na mataas sa dating 49 percent rating nito.

Samantala, tumaas ng one percentage point o 51 percent ang approval rating ni Senate President Franklin Drilon pero nananatiling 47 percent ang trust rating nito.

Lumabas naman sa survey na 51 percent ang undecided sa trabaho ni House Speaker Sonny Belmonte at bumaba sa 29 percent ang kanyang approval rating habang 24 percent ang trust rating.

Si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay 29 percent pa rin ang approval rating pero bumaba sa 25 percent ang trust rating nito.

TAGS: vp binay's trust and approval rating, vp binay's trust and approval rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.