Cagayan, nakaranas ng magnitude 5.0 na lindol

By Kathleen Betina Aenlle January 05, 2016 - 01:09 AM

phivolcs cagayanNiyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang probinsya ng Cagayan, Lunes ng gabi ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Namataan ang sentro ng lindol sa Calayan, Cagayan ganap na alas-10:36 ng gabi.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 14 kilometers.

Intensity 3 ang naitalang naramdaman sa Calayan, Cagayan, habang Intensity 2 naman sa Claveria, Cagayan.

Intensity 1 naman sa Laoag, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur

Nagpaalala ang PHIVOLCS na may mga inaasahang aftershocks, pero wala namang naitalang napinsala o nasaktan sa nasabing lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.