Heneral Luna, kasama sa Most Searched films ng 2015

By Mariel Cruz January 02, 2016 - 01:30 PM

heneral-luna2Nakakuha ng puwesto ang pelikulang “Heneral Luna” na pinagbidahan ng aktor na si John Arcilla sa listahan ng top 10 most searched films in 2015 ng Google.

Nasa ika-limang puwesto sa naturang listahan ang pelikula na naging entry ng Pilipinas sa Foreign Language Film category ng Oscars ngayong taon.

Kabilang din sa naturang listahan ang pelikulang “Crazy Beautiful You” ng Star Cinema na pinagbidahan ng KathNiel o ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nasa ika-anim na puwesto.

Nanguna naman sa listahan ang movie adaptation na “Fifty Shades of Grey” ni EL James na sinundan ng “Minions”.

Nakuha ng hollywood film na “Fast and Furious 7” ang ikatlong puwesto sa listahan kung saan dito makikita ang pinakahuling appearance ni yumaong si Paul Walker habang pang-apat naman sa listahan ang pelikulang “Jurassic World”.

Nakasama rin sa naturang listahan ang mga pelikulang “Avengers: Age of Ultron” na nasa ika-pitong puwesto, “Inside Out” at “Pitch Perfect 2″ na nasa ika-walo at ika-siyam na puwesto at ang “Suicide Squad” na nasa ika-sampung puwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.