Sunod na laban ni Donaire, posibleng ganapin sa Pilipinas

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 04:33 AM

donairePosibleng dito sa Pilipinas gawin ang susunod na laban ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ngayong taong 2016.

Sinabi ni Top Rank boss Bob Arum sa isang report sa BoxingScene.com na posibleng ganapin ang pagdepensa ni Donaire sa kaniyang WBO super bantamweight title kontra kay Evgeny Gradovich na dating featherweight titlist.

Nakatakda ang laban na ganapin sa April 23 sa makasaysayang Araneta Coliseum na ginanapan ng ‘Thrilla in Manila’ kung saan naglaban sina Muhammad Ali at Joe Frazier sa ikatlong pagkakataon, 40 taon na ang nakalilipas.

Ipinahayag rin ni Arum ang kaniyang pagkatuwa sa ipinakitang gilas ni Donaire sa huling laban nito sa Mexican na si Cesar Juarez noong December lamang.

Ang nasabing nakatakdang laban ay magiging pangatlong laban na ni Donaire sa The Big Dome.

TAGS: nonito donaire 2016 fight, nonito donaire 2016 fight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.