Natalie Cole, pumanaw na

By Kathleen Betina Aenlle January 02, 2016 - 02:04 AM

Mula sa www.nataliecole.com
Mula sa www.nataliecole.com

Pumanaw na ang sikat na R&B singer na si Natalie Cole, anak ni Nat King Cole, sa edad na 65 noong Huwebes, December 31 ng gabi.

Kinumpirma ito ng kaniyang publicist na si Maureen O’Connor.

Congestive heart failure ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ni Natalie Cole dahil sa mga komplikasyon na dulot ng kidney transplant at Hepatitis C na na-diagnose sa kaniya noon pang 2008.

Marami na ring iniindang sakit si Cole nitong mga nagdaang taon, at ang panghihina niya ay siyang nagtulak sa kaniya na kanselahin ang ilang concerts nitong huling tatlong buwan.

Matatandaang sumikat ang awiting “Unforgettable” noong 1991 na isang virtual duet nina Natalie at kaniyang ama na si Nat King Cole na pumanaw noon pang 1965.

TAGS: natalie cole dies, natalie cole dies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.