Batang nabaril ng Brgy Tanod sa Taguig City, pumanaw na

By Dona Dominguez-Cargullo January 01, 2016 - 11:03 PM

MacmacPumanaw na ang isang pitong taong gulang na batang lalaki na nabaril ng isang barangay tanod sa
Taguig City.

Naganap ang insidente habang nagdiriwang ang pamilya ng biktimang si Marc Angelo “Macmac” Diego sa pagasalubong sa Bagong Taon kasabay ng kaarawan ng kaniyang ama na si Mark Anthony Diego.

Sa kasagsagan ng pagdiriwang ng pamilya Diego, dumating umano ang suspendidong barangay tanod na si Raymundo Liza at saka namaril.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril si Macmac sa kaniyang ulo at namatay habang ginagamot sa Ospital ng Makati.

Si Liza na barangay tanod sa Barangay Southside Makati City ay nairita umano dahil sa ingay ng pamilya Diego.

Kritikal naman ang kundisyon ng isa pang biktimang si John Edward Pascual na kaibigan ng ama ni Macmac matapos magtamo ng tama ng bala sa akniyang dibdib at tiyan.

Isa pang kaibigan ng pamilya Diego na nakilalang si Israel Lava ay nasaktan din sa insidente.

Mabilis na tumakas si Liza matapos ang insidente at nagsasagawa na ngayon ng manhunt operation ang Makati at Taguig police para siya ay madakip.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.