500 sugatan sa pagsabog sa Taipei

June 28, 2015 - 12:46 PM

Taiwan Fire
AP photo

TAIPEI, Taiwan — Aabot sa 500 ang nasugatan matapos sumiklab ang apoy sa music stage sa Formosa Water Park, Sabado ng gabi.

Ayon sa New Taipei City fire department, nagkaroon ng pagsabog malapit sa stage kung saan mayroong nasa 1,000 audience.

Sa datos ng Health Ministry Office ng Taipei, nasa 474 na ang kabuuang bilang ng mga nasugatan kabilang ang dalawang dayuhan. 141 sa mga sugatan ay grabe ang tinamong pinsala.

Hindi pa matukoy kung ano ang naging dahilan ng pagsabog pero mabilis ang naging pagkalat ng apoy kaya marami sa mga nasa lugar ang nasugatan./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Formosa Water Park, Radyo Inquirer, Taipei, Formosa Water Park, Radyo Inquirer, Taipei

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.