92 kandidato, maaring diskwalipikahin ng COMELEC

By Chona Yu December 31, 2015 - 01:11 AM

comelecAabot sa 92 kumakandidato sa public office ang nanganganib na madiskwalipika ng Commisison on Elections (COMELEC).

Ito ay dahil sa kabiguan nilang makapagsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditure (SOCE) noong nakaraang dalawang halalan.

Ayon sa COMELEC, kabilang sa mga nanganganib na madiskwalipika si Elly Pamatong na dalawang beses kumandidato noong 2007 at 2013.

Base sa talaan ng COMELEC Campaign Finance Office, ang Western Visayas ang nakapagtala ng mataas na record na aabot sa 22 habang ang Northern Mindanao naman ay mayroong 21 at Autonomous Region in Muslim Mindanao na may labing anim na kandidato na hindi naghain ng SOCE.

TAGS: comelec to disqualify candidates, comelec to disqualify candidates

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.